Short story
Luha
Ng Buwaya
Kagagaling
ni Bandong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superintendente sa kabisera ng
lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manuparang pansamantalang prinsipal sa
kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestrong
Putin. Dinalaw ni Bandong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak
ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Bandong, upang makipagbalitaan
at magpalipad-hangin ukol sa kanyang pag-ibig. Nalaman ni Bandong na may
pabatares sa pagapas kinabukasan sina Mang Pablo. Sa gapasan, nagin masaya ang
mga manggagapas kahit na lumabas si donya Leona Grande, ang may ari ng
pinakamalawak na lupang sakahin sa Sampilong.
Napakahigpit na
kasama si donya Leona. Nang ipaghanda sa bahay-asyenda ang dalawang anak ni
donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng
Parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa
pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang
ito ang kaguluhang kinasangkutan ni Andres, isang eskuwater na nakatira sa pook
na tinaguriang Tambakan.
Nagawi
sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sa pagkat
natandaang sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang
matapos ang digmaan, si Andres at ang kanyang mag-iina ay hindi na nagbalik pa
sa Maynila. Nakilala nang lubusan ni Bandong si Andres nang ipinapasok nito sa
grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Bandong si Andres na magtayo ng
cottage industries sa kanilang pook ng mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang
na ayusin at linisin nila ang kanilang pook.
Pumayag
si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Bandong. Bumuo ng isang samahan
ang mga magsasaka at si Bandong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang
engkargado at badigard ni don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka.
Ikinagalit iyon ni donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga
kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si donya Leona sa mga kahingian ng mga
magsasaka at ang mga ito naman at tumangging gumawa sa kanilang mga saka.
Samantala’y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag
nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Bandong, lumapit sila ni Andres sa Social
Welfare Adminitration. Nakailak sila ng pondo mulsa sa mga kanayon at sinimulan
nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan. Ngunit ang Bagong
Nayon ay sinimulang kamkamin ni donya Leona.
Pagkatapos
kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na
tanging ebidensya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat din ni
donya Leona ang alakalde na pinsan ni don Severo at ang hepe ng pulisya na
inaanak naman sa kasal ng mag-asawang Grande. Lumaban ang mga eskuwater sa
pamumuno ni Andres.
Ang
samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib at sa
tulong ni Bandong, sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging
kaibigan ni Bandong noong nag-aaral pa siya sa Maynila. Sa isang pagkakataon,
nakatagpo ni Andres si Ba Inten na pinakamatandang tao sa nayon. Sa Pagtatanong
ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inten na si Andres ay apo sa tuhod ng
yumaong mabait na Kabisang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno
ni Andres ngunit nang mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni donya Leona
ang mga aring lupa nito.
Nagawa
ng mga Grande na palitawing ibinenta sa kanila ni Kabisang Resong ang lupa nito
bago namatay. Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalaman niyang
maaari pa niyang habulin ang lupa at papagbayarin ng pinsala ang mga Grande. Sa
utos ni donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Bandong. Si Dislaw na
karibal ni Bandong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa
sumbong.
Nang
dumating ang pasukan, isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating sa
Sampilong. Noon sinagot ni Pina si Bandong. Pinagtangkaang halayin ni Dislaw si
Pina. Mabuti na lamang at dumalaw si Bandong na kung hindi naawat ng mga dumalo
ay baka napatay si Dislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni donya Leona sa Maynila si
Dislaw.
Isang
gabi, lihim na ipinahakot ni donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa
kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa intsik doon. Isang umaga
nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunong ang kamalig ng mga Grande.
Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at
sa mga pinuno ng koopertiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang
mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska, ay nagalit kay Kosme na mangingibig
niya at siyang inutusan ng donya na sumunog sa kamalig, dahil sa hindi siya ang
isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni
Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni sedes kay
Bandong. Nahuli si Kosme at umamin sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang
paghahabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Grande. Dahilan sa
kahihiyang tinamo, hinakot ng mga grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon
na nagpirmi.
Sa
Maynila , si Donya Leona ay nagkasakit ng alta presyon at nagging paralisado
nang maatake. Si don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya.
Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Bandong at
tiniyak ng Superintendente na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong
sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga
magulang ng mga bata. Namanhikan si Bandong kay Pina at may hiwatig na siya ay
ikakandidato sa pagka-alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.
Author:
Amado Vera Hernandez,
commonly known as Amado V. Hernandez (September 13, 1903–March 24, 1970), was a
Filipino
writer and labor
leader who was known for his criticism of social injustices in the Philippines
and was later imprisoned for his involvement in the communist
movement. He was the central figure in a landmark legal case that took 13 years
to settle. He was born
in Hagonoy, Bulacan but grew up Tondo,
Manila, where he studied at the Manila High School and at the American
Correspondence School.
Source: http://en.wikipedia.org/